HOTSHOTS, WAGI KONTRA MERALCO

MATAGUMPAY na nasungkit ng Magnolia ang unang panalo sa serye ng PBA Governor’s Cup semifinals kontra Meralco sa iskor na 94-80 na ginanap sa MOA Arena.

Bagama’t hindi naging maganda ang panimula ng mga bata ni coach Chito Victolero nagawa ng mga ito na makahanap ng paraan at makabawi sa laro matapos matambakan ng 17 puntos.

Ang nabanggit na panalo ng Hotshots ay pinangunahan nila Mike Harris na mayroong 26 points at 16 rebounds at ng Best Player of the game na si Jio Jalalon na may 15 points, 6 rebounds at 6 na assist.Ang game 2 ng nabanggit na serye ay gaganapin pa rin sa MOA Arena ngayong darating na Biyernes, Marso 25 ala sais ng gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *