2022 PLATOON RUN OLYMPICS PARA SA DECEMBER 16-18 INILUNSAD

2022 PLATOON RUN OLYMPICS PARA SA DECEMBER 16-18 INILUNSAD

May be an image of 1 person, fire and text

NAG-FIST BUMP sina Laban ng Lahi Founder Joenel Pogoy at 2022 Election PRAI Party List Representative Ret. Gen. Van Luspo kasama si Rowena Menes Berdar para sa launching ng 2022 Platoon Run Olympics sa Dec. 16-18 na ang prescon ay ginanap sa Vikings, MOA. (SPORTSGEN-Genie Villota)

IBINIDA ni Laban ng Lahi Founder Pogoy ang matinding adhikain bakit n’ya itinatag ang Platoon Run na upang makatulong sa mamayan ng Pinas at maging isang tourist attraction ang lugar na gaganapan ng takbuhan, lalo pa’t mayroon ng mga banyagang nag-aabisong sasali katulad ng New Zealand Team.

Inaasahang tatangkilin ng buong mundo at torneong ito.

Sa pagsanib pwersa nila ng PRAI Partylist ay makapagbibigay sila ng trabaho sa mga Pinoy dahil sakaling manalo ang Psrtylist at kakatay sila ng libo-libong baboy tuwing ika’tlong buwan na ipapamahagi sa ating ksbabaysn sa buong kapuluan.

“Sakaling maging matagumpay ang PRAI Partylist sa eleksyon ay makakapagbigay tayo ng trabaho sa mga Pilipino, dahil sa kailangang may mag-alaga ng mga Bsboy, bibili ng pakain, mga lugar ng pag-aalagaan, kaya madami ang magbebenipisyo sa ating mga kababayan, kaya sana isama ang PRAI Partylist sa eleksyon.” Saad ni PRAI Rep. Ret. General PMAer Van Luspo.

Naging katuwang pa ang ASIA Brewery sa adhikaing ito na isang malaking isponsor sa Platoon takbuhang ito.

Ayon kay Pogoy, “Nagpapadalamat ako sa Asia Brewery, sa Presidenteng si Lucio Tan, dahil sa parehong adhikain namin st kanyang inayunan ang Platoon Run, kaya sana bilhin natin ang kanilang mga produkto katulad ng Cobra Energy Drink, Summit Water at iba pa.”

Binigyan diin ni Ret. Gen. Pogoy na hindi scam ang kanyang patakbo na iniisip ng iba. Ang adhikain niyang makatulong na makapagbigay ng kasiyahan sa tao lalo pa’t binigyan siya umano ng go signal ng BIR na isali sa takbuhan ang pa-raffle ng kotse, na maaring gamitin o ibenta kung walang garahe.

“Sakaling maibenta lahat ng raffle tickets ay makaka-produce ito ng 60 Millon pesos, sapat na para mailagak sa mga premyo,” pagpapatuloy pa ni Pogoy.

Huling tinuran naman ni PRAI Rep. Van Luspo ay sakaling manalo ang kanyang Partylist sa darating na eleksyon ay 10 Milyong Piso kaagad ang ibibigay niya sa patakbong ito.

Kasama pa patuloy na pagtulong sa mga livelihood at community projects sa mga lalawigan ng Mindanao ay muling inilunsad ang Laban ng Lahi Platoon Run Challenge ng Camboayan Sports, kung saan target ng marathon na makabuo ng 100,000 mga kalahok ngayong 2022 habang patuloy naman ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Inaasahan ni Joenel Pogoy, founder at organizer ng naturang event at partner ang Prai Partylist na ang open competition na ito ay darayuhin din sa Abril ng mga dayuhang platoon runners bukod sa mga local competitors na bubuuin ng 33 runners kung saan ay tatlo rito ay babae at karamihan ay pawang mga kalalakihan na at kasama na sa bilang ang 2 manager ng tropa.

Tatahakin sa 23 kilometrong distansiya ng sabay-sabay na pagtakbo ng 33 runners ang 7 adventure challenges.

Tampok din bilang side event sa kompetisyon ang pakain sa mga bisita ng 1 kilometro haba na puro litsong baboy at 500 metrong haba rin ng pawang mga litsong turkey din ang nakalatag na tiyak na magsisilbing kapistahan sa isang siyudad sa Mindanao.

Nabanggit din ni Pogoy na sa sandaling may isang miyembro ng platoon na hindi makatapos sa pagtakbo ay papatawan ito ng team penalty.

Idaraos ang qualification challenge sa Abril habang sa Setyembre ang National Finals sa Bislig City at ang pinaka-final na Laban ng Lahi Platoon Run Olympics ay sa Disyembre 16-18 sa hindi pa batid na venue.

Sa ngayon ay bukas na ang pagpaparehistro sa halagang P200,000 para sa Olympics entry fee habang may 10 koponan na ang nakapagpalista para sa premyong P10-M para sa grand champion sa Olympics habang P3-M sa national finals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *