PROCLAMATION RALLY NG TAYTAY DEVELOPMENT TEAM DINAGSA NG MGA TAGASUPORTA

PROCLAMATION RALLY NG TAYTAY DEVELOPMENT TEAM DINAGSA NG MGA TAGASUPORTA

May be an image of one or more people, people standing and crowd
May be an image of standing and crowd
May be an image of 15 people and people standing
May be an image of 4 people and people standing
May be an image of 2 people, people standing and crowd
May be an image of 1 person, playing a musical instrument and standing
May be an image of 12 people and people standing
May be an image of 13 people, people standing and text that says "T DT 000 Samsung Camera Shot with my Darlene' A20s N HIGIT SA OPMENT TEAM"
May be an image of 9 people, people standing and indoor
May be an image of 4 people and people standing
May be an image of 10 people, people standing and road

TAPOS NA ANG ELEKSYON!

Dahil sa ipinamalas na mainit na suporta ng mga Taytayeños sa buong tiket ng DEVELOPMENT TEAM sa pangunguna nina Taytay Mayor Joric Gacula at Vice Mayor Mitch Bermundo kung saan dinagsa ng napakaraming tao ang kanilang proclamation rally na idinaos kahapon sa harap ng New Taytay Public Market halos wala nang duda na muling magwawagi ang grupo ng mga PULA sa darating na eleksyon sa Mayo 9, 2022.

Simula pa lamang sa parada na isinagawa kahapon patungo sa harapan ng bagong tayong palengke ng Taytay ay ipinakita ng mga kababayan ni Mayor Gacula ang kanilang matinding pagsuporta at hindi nila inalintana ang mainit na sikat ng araw at ang mahabang paglalakad upang maiparamdam sa lahat ang tunay na lakas ng Development Team na bunga ng kanilang kasipagan, malasakit at maayos na pamamahala sa nakalipas na ilang taon partikular sa panahon ng pandemya kung saan ay hindi nila iniwan at pinabayaan ang mga Taytayeños.

Ang sigaw ng karamihan sa mga dumalo at sumama sa proclamation rally ay tapos na ang eleksyon…JORIC PA RIN! NALULUNOD LANG SA ILOG ANG SINASAGIP! ANG BAYAN NG TAYTAY AY NALULUNOD NGAYON SA KAUNLARAN DAHIL KAY MAYOR JORIC AT SA BUONG GRUPO NG DEVELOPMENT TEAM!

Pinasalamatan naman ng Development Team sa pangunguna nina Mayor Joric at Vice Mayor Mitch ang tagos sa pusong pagsuporta ng mga mamamayan ng Taytay na patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa kanila gayundin sa kanilang mga kasamahang konsehal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *