JEFF CARIASO, OPTIMISTIKO SA KANYANG BAGONG KOPONAN

JEFF CARIASO, OPTIMISTIKO SA KANYANG BAGONG KOPONAN

PINANGUNAHAN nina team owners Dennis Anthony Uy at Grace Uy ang Converge  Team na sasabak sa PBA na papalit sa Alaska. Kasama sina Commish Willie Marcial, Governor Chito Salud at buong team sa Sheraton Hotel, EDSA. ( GEN VILLOTA)

MATAPOS ang malungkot na pamamaalam kamakailan ng Alaska Aces na isa sa maalamat na koponan sa Philippine Basketball Association (PBA), ang tropa ni Alaska head coach Jeff Cariaso ay muling babalik sa susunod na season ng liga na taglay ang ibang kulay, ibang bandera na may katulad na hangarin… ang ipagpatuloy ang laban sa ilalim ng pinakabagong koponan na Converge Fiber Xers na pormal na inilunsad ngayong Martes.

Ilang linggo matapos ang pamamaalam sa PBA ng team ng Alaska na nakapaglaro sa liga sa loob ng 36 na taon ay agad na nakahanap ng panibagong koponan ang dating Aces player na si Cariaso na siya ring pinakahuling head coach ng koponan hanggang sa kanyang paglisan kamakailan.

“The transition has been, honestly, para siyang roller coaster because we discussed the ending of a dynasty, we tried to end it with a bang but obviously, it didn’t end the way that we wanted it to be. But then comes a new group who purchased the franchise and who are just as excited, just as passionate. And ito ‘yung importante, they carry the same values that Alaska did during our time.”pahayag ni Cariaso sa launching ng kanyang bagong team na pagmamay-ari nina Dennis Uy at Grace Uy.

Nais umano ni Cariaso na makapagbuo ng isang competitive team na tulad ng ginawa nila sa Aces na nakipagdigma pa sa quarterfinal round ng 2021 PBA Governors’ Cup bago tuluyang namaalam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *