KYLIE VERZOSA NAGING EMOSYONAL SA LIVE EPISODE NG ‘ IT’S SHOWTIME

KYLIE VERZOSA NAGING EMOSYONAL SA LIVE EPISODE NG ‘ IT’S SHOWTIME

Hindi maiwasang maiyak ng Actress at beauty queen na si  Kylie Verzosa ng mapag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nitong nakaraang live episode ng programang “It’s Showtime”.

Ang pag-uusap tungkol sa breakups ay nangyari sa bahagi ng pakikipanayam sa kalahok na si Janna Rose Campanero, na nagbahagi ng kanyang personal na karanasan.

Nang tinanong si Kylie sa kanyang opinyon patungkol dito, walang itong nagawa kundi takpan ang kanyang mukha dahil sa hindi mapigilang emosyon sabay sabing “sorry” na nag-udyok kay Ruffa Gutierrez at Chie Filomeno upang yakapin siya na kapwa niya judge sa pageant segment “Showtime Sexy Babe”, gayundin ng host na si Vice Ganda.

Ang katayuan ng relasyon ng beauty queen at ng aktor na si Jake Cuenca ay naging paksa ng espekulasyon sa unang bahagi ng linggong ito kasunod ng misteryosong tweet ni Verzosa, na nagsasabing, “Broken.” – Edz Patotoy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *