PAGBUBUKAS NG KLASE ITATAKDA SA AGOSTO 22 FACE TO FACE CLASSES POSIBLENG MADAGDAGAN

PAGBUBUKAS NG KLASE ITATAKDA SA AGOSTO 22 FACE TO FACE CLASSES POSIBLENG MADAGDAGAN

INAASAHANG magtatakda ang Department of Education (DepEd) na masimulan ang susunod na school year sa Agosto 22 sa mas marami pang paaralan na makapagdaos na rin ng limitadong face-to-face classes, kasabay ng ginagawang remote learning.

Sa isang pulong balitaan kahapon, inihayag ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio na ipinanukala na nila na masimulan ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023.

Magkakaroon aniya ng 215 school days sa naturang panukalang school calendar.

Dagdag pa ni San Antonio, target din umano nilang ang SY 2021-2022 ay magtapos sa darating na Hunyo 24.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *