BIADO, NAMUNO SA NATIONAL 10-BALL TOUR SA NAGA CITY

BIADO, NAMUNO SA NATIONAL 10-BALL TOUR SA NAGA CITY

PAMUMUNUAN ni dating World Champion Carlo Biado ang bigating na kalahok sa pagtulak ng National 10-Ball Tournament sa Mayo 3 hanggang 7, 2022 sa Robinson’s Mall sa Naga City.

Ang 38 years old na si Biado ang hinihulma na paboritong kalahok dahil sa kanyang magnificent performance sa taong ito matapos manalo ng numerous tournament sa United States.

Ang Rosario, La Union native Biado ay mas nakilala sa mundo ng pool world matapos daigin si Jayson Shaw ng UK, 11–7, para maghari sa men’s 9-ball event ng 2017 World Games sa Wroclaw, Poland.

Noong 2017 din ay giniba ni Biado ang kababayang si Roland Garcia, 13–5, para magkampeon sa 2017 WPA World Nine-ball Championship sa Doha, Qatar.

Noong 2021 ay pinabagsak naman ni Biado si Aloysius Yapp ng Singapore, 13–8, para masikwat ang U.S. Open Pool Championship. Dahil sa nasabing tagumpay ay nakamit ni Biado na maging kauna-unahang Filipino matapos ang 27 years na pagharian ang nasabing event sapul ng magbida si Double World Champion Efren “Bata” Reyes.

“I hope to do well in this event,” sabi ni Biado na pangungunahan ang bansa sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo. Ang nasabing event na inorganisa ni Raymund Faraon na suportado ng friends of mayor Nelson Legacion ay may total pot prizes P400,000 base sa 100 participants.

Ang registration fee ay P2,000 sa race-to-7, alternate break format. Ang iba pang world renowned pool masters na lalahok sa nasabing event ay sina Roland Garcia, Johann Chua, Jeffrey Ignacio, James Aranas, Jerico Bañares, Ronnie Alcano, Lee Van Corteza, Antonio Lining, Jonas Magpantay at Anton Raga.-Marlon Bernardino- Photo credit to the owner Former World Champion Carlo Biado (Gen Villota)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *