KILLERWHALE, HARI SA CNLCSCA SWIM SERIES

KILLERWHALE, HARI SA CNLCSCA SWIM SERIES

PINANGUNAHAN ng magka-kapatid na Mojdeh ang impresibong kampanya ng Philippine KillerWhale Swim Team para sa overall championship sa ginanap na 80th Central Northern Luzon-CAR Swimming Coaches (CNLCSCA) Invitational Swim Series nitong Sabado sa New Clark City Aquatic Center sa Capas, Tarlac.

Tulad ng inaasahan, nangibabaw ang Philippine national junior record holder na si Micaela Jasmine Mojdeh sa kanyang division, ngunit agaw-pansin ang mga nakababata niyang kapatid na sina Mohammad Behrouz Mojdeh at Mikee Mojdeh sa torneo na inorganisa ng A.C Dax Aquatics Swim Club, sa pakikipagtulungan ng Swim League Philippines.

Napagwagihan 14-anyos na si Mojdeh ang limang event at isang silver para tangahaling best swimmer sa girls 15-age class A, habang nasungkit ni Mohammad Behrouz ang apat na ginto at isang pilak para makoipo ang best swimmer award sa boys’ 10-year class A.

Nag-ambag naman si Mikee ng tatlong gintong medalya sa boys 6-under class. Sa kabuuan, nakamit ng KillerWhale Swim Team ang 1,022.50 puntos, kasunod ang North Pine Aquatic Swimming Team na may 570.50 puntos at pangatlo ang Bosay Resort Aquatic Club na natipong 497.50 puntos.

“Nakatutuwa na talagang maraming batang swimmers ang nabibigyan ng pagkakataon sa ganitong mga kompetisyon. Yung mga anak ko nakikipagsabayan na rin. This kind of tournament ang talagang dapat masuportahan para mas marami pang bata ang humusay,” pahayag ni Joan Mojdeh, SLP official at team manager ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST).

Kabilang din sa nakaagaw-pansin sina Ethan Adriel Alejandrino ng Angeles City Swim Team at Pampanga Black Marlins, sa pangangasiwa ni Coaches Bernardino Alindogan, Archie Lim at Lans Rawlin Gumabon Donato at Paz Martin Alog ng Thresher Shark swimming team ni coach Kevin Torrado.

Tinanghal na most outstanding swimmer sa boys 12 year-old si Alejandrini matapos magwagi ng isang ginto (50m breast), dalawang silver (50m back at 50m fly) at dalawang bronze medal (200m fee at 50 free), habang nagwagi ang 13-anyos na si Alog sa 200m frestyke at 50m butterfly at bronze sa 50-m backstroke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *