DUTERTE IDINEKLARANG NON-WORKING HOLIDAY SA MAYO 9

DUTERTE IDINEKLARANG NON-WORKING HOLIDAY SA MAYO 9

NAGDEKLARA na si Pangulong Rodrigo Duterte bilang special non-working holiday ang May 9 sa buong bansa para sa gaganaping national at local elections.

Sa Proclamation No. 1357, nakasaad ang pa¬ngangailangan na ideklarang non-working holiday ang nasabing araw upang mabigyan nang pagkakataon ang mga mamamayan na makaboto habang sinusunod ang public health measures na ipinatutupad ng national government.

“Whereas, there is a need to declare Monday, 09 May 2022, a special (non-working) holiday to enable the people to properly exercise their rights to vote,subject to the public health measures of the national go¬vernment,” nakasaad sa proklamasyon.

Kaugnay nito, tiniyak ng Armed Forces of the Phi¬lippines (AFP) at Philippine National Police na maaga nilang pinaghandaan ang gagawing halalan sa darating na Lunes.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ilang buwan na ang nakaraan ay naghanda na ang AFP at PNP.

“Siguro ilang buwan na ang nakaraan ay nagpi-prepare na; joint kasi ‘yan eh, combined diyan iyong PNP at saka iyong Armed Forces,” ani Lorenzana.

Ipinaliwanag pa ni Lorenzana na tuwing eleksiyon ay dine-deputize ng Commission on Elections ang AFP para mayroon silang police powers katulad ng PNP.Tinatayang nasa 40,000 puwersa ng AFP ang itatalaga para mangasiwa at magpatupad ng kaayusan at kapayapaan sa eleksiyon sa Lunes.Enter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *