P328K HALAGA NG HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT NG BUREAU OF CUSTOMS

P328K HALAGA NG HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT NG BUREAU OF CUSTOMS

TINATAYANG aabot sa P328,900 halaga ng high-grade marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) na nagresulta rin sa pagkakadakip sa dalawang suspek na tumanggap ng package sa Muntinlupa City nitong Mayo 2.

Nasabat ng BOC sa Port of Clark ang nasa 253 gramo ng Kush buhat sa Nashville, Tenessee, USA. Dumating ang shipment nitong Abril 22 na idineklarang “tea french press, made out of tree leaves”

Isinailalim ito sa X-ray scanning na nakitaan ng organikong bagay saka isinailalim sa physical ¬examination kaya tumambad ang ilegal na droga na nakalagay sa dalawang pakete.

Agarang nagkasa ang BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng ‘controlled delivery’ sa nakasaad na address ng consignee sa Muntinlupa City nitong Mayo 2 na nag¬resulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek na ikinubli muna ang mga pagkakakilanlan.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *