GENERAL DANAO BAGONG ACTING PNP CHIEF

GENERAL DANAO BAGONG ACTING PNP CHIEF

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si PLt. General Vicente Danao bilang acting chief ng Philippine National Police (PNP) Apat na araw bago ang halalan sa Mayo 9,

“The President has just designated Lt. Gen. Vicente Danao Jr as Officer-In-Charge of the Philippine National Police to replace Gen. Dionardo Carlos who is reti¬ring on 08 May 2022,”

ito ang nagging kumpirmasyon ni DILG Secretary Eduardo Año. Papalitan ni Danao si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, na nakatakdang magretiro sa Mayo 8, matapos umabot sa kanyang mandatory retirement age na 56.

Anim na buwan lamang naging PNP chief si Carlos samantalang posibleng magsilbi bilang hepe ng PNP si Danao hanggang Agosto 2023.

Ipinaliwanag ni Año na dahil malapit na ang halalan, hindi na maaari pang magtalaga ang Pangulo ng isang permanenteng PNP chief, alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas.

Kumpiyansa naman si Año na magagampanan ni Danao ang tungkuling iniatang sa kanya ng Pangulo dahil siya ay ‘very capable,’ ‘workaholic,’ at isang ‘man of integrity.’ Inatasan din naman ni Año si Danao na tiyaking magiging mapayapa, maayos at tapat ang darating na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *