ERWIN TULFO,UUPO BILANG SUSUNOD NA KALIHIM NG DSWD

INANUNSYO ngayon ng kampo ni President-elect Ferdinand ” Bongbong ” Marcos Jr. ang pagkakapili sa sikat na broadcaster na si Erwin Tulfo upang maging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng susunod na administrasyon.

“He has been in the public service doing social work in 3 decades. He is known for his involvement and covering the Filipinos here and abroad through his social programs and partnerships with other organizations,” pahayag ni incoming Press Secretary Atty Trixie Cruz-Angeles tungkol kay Tulfo.

Masayang pinasalamatan naman ni Tulfo si incoming President Bongbong Marcos para sa kanyang appointment. 

“Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD,” wika ni Tulfo sa ipinarating na mensahe sa mga mamamahayag. “Ang tanging maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahihirap at nangangailangan,” dagdag pa niya.

Si Tulfo ay kapatid ng nagwaging senador kamakailan na si Senator-elect Raffy Tulfo na tulad niya ay isa ring tanyag na broadcaster at gayundin ang dalawa pa nilang kapatid na sina Ramon Tulfo at Ben Tulfo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *