RAVENA WAITING PA RIN!

“Bumalik siya, so dito na ba siya ng dire-diretso? o tama ba ‘yung balita ko na isang conference lang siya? So ano na? ‘Yun ang kailangan naming desisyunan.” “Hinihintay lang namin kung ano desisyon ng NLEX at tingnan natin kung ano consequences noon, kung ano napagkasunduan nila,””Ano muna desisyon nila. Ilang conference? Dire-diretso ba o babalik ulit siya sa Japan after one conference?””Mayroon siyang sinabi sa akin. May kasulatan kami,” “Ano ba, tatablahin ko ba ‘yun? So idi-discuss ko sa board.”Ito ang mga katagang binitawan ni PBA commissioner Willie Marcial kaugnay sa desisyon ng liga kung papayagan nila o hindi na makabalik ang superstar na si Kiefer Ravena.Matatandaang pinayagan ng NLEX Road Warriors na makapaglaro sa Lakestars si Ravena kalakip ang kasunduang babalik ito sa kanyang mother club matapos ang isang taon sa Shiga.”Si Kiefer po, naglaro sa Gilas, now gusto niyang maglaro ulit, but wala pang agreement. Nag-uusap pa ang two sides. Si Kiefer and his agent, and NLEX,” ayon kay NLEX team governor Rod Franco.”Pinapag-usapan pa kung maglalaro siya, if we reach an agreement.” dadgdag pa ni Franco.Ayon kay Marcial, “Sumulat na sa ‘kin si Kiefer, noong weekend. Sabi ko tignan natin. Hinihintay na lang natin ‘yung pag-uusap nila with NLEX tapos ie-elevate ko sa board.” “Board din ang nagdesisyon kung ano ‘yung sitwasyon ni Kiefer, kung papayagan nila.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *