TROPANG GIGA, RAIN OR SHINE WAGI!

TNT drubs Magnolia to draw first blood in PBA Philippine Cup finals | GMA  News Online

NALUSUTAN ng defending champion TNT Tropang Giga ang kanilang unang asignatura sa 2022 PBA Philippine Cup kontra Magnolia Hotshots, 78-72 sa Smart Araneta Coliseum. 

Dalawang magkasunod na three point shots nina Troy Rosario at Jayson Castro na sinusugan ng limang pamatay na puntos mula kay Matt Ganuelas-Rosser ang pumigil sa mainit na paghahabol ng Hotshots sa huling isa’t kalahating minuto ng laban.

Tinanghal na best player of the game si Troy Rosario sa kanyang nagawang 22 points, 10 rebounds at 2 blocks.

Samantala, binigo naman ng Rain Or Shine ang pagtatangka ng bagong saltang Converge matapos maitakas ang 79-77 na panalo sa pambuwenamanong laro sa 47th season ng liga.

Iniligtas ng isang matulis na three point shot mula kay Beau Belga sa nalalabing 13 segundo ng laro upang malagpasan ang mahigpit na nakipagbakbakan na FiberXers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *