BAD THIRD!

How the Warriors won Game 2: Live updates

ANG Golden State Warriors ay bumalik sa Game 2 ng NBA Finals na may dalang panggulat sa Boston Celtics at sinikwat ang isang panablang panalo, 107-88 sa maingay na Chase Center sa Francisco.

Matapos ang dikitang habulan ng dalawang koponan sa kabuuan ng first half ay biglang uminit ang opensa ng Warriors sa third quarter at iniwan ang Boston, 35-14 sa yugto na tinambalan pa ng sunud-sunod na turnovers ng inalat na tropa ni coach Ime Udoka.

Sina Stephen Curry, Jordan Poole, Draymond Green, Klay Thompson at Kevon Looney ay naglaro ng may nag-aalab na mga mata sa third quarter kung saan naiukit nila ang kalamangang 23 puntos sa pagtatapos ng yugto, 87-64 na tinampukan ng back to back triples nina Curry at Poole na bahagi ng kanilang 16-2 run.

Ang kabuuan ng fourth quarter ay naging isa na lamang masamang panoorin para sa mga Celtics fans kung saan naitaas pa ng Warriors ang kanilang pinakamataas na kalamangan sa 29 puntos, 64-93 may 10:45 pa sa orasan.

Si Curry ay may nagawang 29 points sa kabuuan ng laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *