BOSTON CELTICS, BUMWELTA SA GAME 3

BOSTON CELTICS, BUMWELTA SA GAME 3

NBA Finals 2022: Celtics trio hold off Warriors for Game 3 win, take 2-1  series lead | Fox News

ANG inaasahang panalo ng Boston Celtics sa loob ng kanilang teritoryo sa Game 3 ng 2022 NBA Finals best-of-seven championship series kontra Golden State Warriors ay nakamit nila sa gitna ng mga nagbubunying mga tagasuporta sa TD Garden.

Muling umangat ng isang agwat na panalo sa kanilang serye ang Boston, 2-1 matapos pasukuin ang Warriors, 116-100 sa isang laro kung saan nagpamalas ng kanilang katatagan ang una upang idiskaril ang pagtatangka ng huli na muling sirain ang kanilang diskarte sa depensa at opensa sa third quarter tulad ng naganap sa Game 1 at 2 at tuluyang durugin sa final quarter ang GSW na tinampukan ng magkakasunod na turnovers ni Steph Curry.

Sina Jaylen Brown, Jason Tatum at Marcus Smart ay nagsanib puwersa para sa opensa ng Celtics at kumolekta ng kabuuang 77 puntos upang pangunahan ang kanilang tropa sa pagpapabagsak sa dayuhang Warriors.

Ang Celtics ay umalagwa sa second quarter kung saan naitala nila ang pinakamataas na kalamangang 18 puntos, 54-36 sa kalagitnaan ng yugto subalit hinabol at nilamangan pa ng Warriors, 83-82 sa nalalabing mahigit tatlong minuto sa third quarter matapos magpaulan ng puntos sina Klay Thompson, Andrew Wiggins at Curry

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *