Isleta, naglabas ng hinaing sa PSI

Isleta, naglabas ng hinaing sa PSI

May be an image of 1 person and text that says "By GEN VILLOTA SPORTSGEN"

MUKHANG bumabalik muli ang ‘bata-bata’ system sa Philippine Swimming?

Kung si Ms. Cecil Doromal-Waller – ina ni SEA Games multi-medalist Chloe Isleta — ang tatanungin, malinaw pa sa tubig ng Manila Bay ang kasalukuyang sitwasyon na ipinatutupad ng Philippine Swimming, Inc. na pinamumunuan ni Lani Velasco.

Binasag ni Doromal-Waller ang pananahimik ng National Record holder sa 100-m backstroke (1:03.37), nang ipahayag ang kawalan nang pagpapahalaga sa sakripisyo, tagumpay at damdamin ng 24-anyos swimmer matapos alisin diumano sa hindi maipaliwanag na dahilan ng PSI sa line-up na sasabak sa FINA World Championship sa Hunyo 19-24 sa Budapest, Hungary.

“Chloe is really upset. She returned to the US supposed to be to train for the World Championship. She called me and cried as he narrated that PSI president Lani Velasco told her she was out of the National Team off for the Budapest meet. Nagulat ako, anong nangyari? Gawa na ang line-up, tapos na ang deadline para sa nomination,” pahayag ni Doromal-Waller sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) kahapon via Zoom. “Hindi ako tinawagan dahil alam niya (Lani Velasco) na hindi ko ito iiwan, ipaglalaban ko ito. Pinaghirapan ito ni Chloe tapos aalisin nila sa line-up, para maipasok ang alaga nil ana kahit hindi qualify okey lang dahil sunod-sunuran sa kania,” aniya.

Ayon kay Doromal-Waller, nitong Mayo 29, naglabas na ng memorandum ang PSI kung saan inihayag ang pagkakapili ng apat na swimmers – Luke Gabbi, Jasmine Alkalhdi, Miranda Renner at Chloe Isleta.

Ang deadline sa submission ng nominations sa FINA ay nito pang Mayo 15.

“Actually, dito palang sa announcement ng PSI may mali na, nagtataka ako walang umimik dahil hindi dapat kasama sina Jasmine (Alkalhdi) at (Miranda Renner) kung ang pagbabasehan ay yung inilabas nilang criteria na top two men’s and top two women’s lang ang maipadadala sa World Championships sambit ni Doromal-Waller sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.

Sa points system ng FINA, ang nangungunang tatlong Pinoy swimmers ay sina Luke Gebbie (843), Jonathan Cook (793), at Jerard Jacinto (757), habang sa women;s side ay sina Chloe Isleta (755), Desirae Mangaoang (739), at Jasmine Alkhaldi (722). Sa PSI guideline, na-kattached ang ‘no nomination, no inclusion to the roster…and “no extension shall be granted!” Swimmers with no nomination since they never swam a single FINA meet before the nomination deadline of May 3, 2022 are Jessica Geriane and Miranda Renner and yet sila ang isinasama sa team, ano ito lokohan,” sambit ni Doromal-Waller. “Kawawa ang mga atleta sa ganitong sistema. Si Chloe nga since 2015 pa part ng National Team pero until now wala siya sa listahan na nabibigyan ng allowance from the PSC. Inireklamo kona ito, but the PSC told me dapat may endorsement coming from the PSI. And what PSI done? Wala, tapos aapihin pa ang anak ko na parang walang nagawang contribution sa swimming at sa bansa,” aniya.

Nitong 31st Southeast Asian Games sa Hanoi. Vietnam, naitala ng US-educated (Arizona U) na si Isleta ang kasaysayan nang ang kauna-unahang ginto para sa women’s swimming matapos ang 29 na taon nang pagwagihan ang 200-m backstrome sa tyempong 2:18.60.

Sa unang pagsabak sa SEAG nitong 2019 sa Manila, hataw si Isleta sa nakamit na dalawang silver medal, at isang bronze medal, tampok ang bagong Philippine National record sa 400 Medley Relay.

“We’re still waiting sa opisyal na memo ng PSI regarding this. But ngayon pa lang ipaglalaban ko ito. Maybe I will talk with the Philippine Olympic Committee, the PSC and the Atheletes Commission. Hindi lang sports ang nasisira ng ganitong sistema, kundi ang puso at kumpiyansa ng mga local at deserving swimmers,” ayon kay Doromal-Waller.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *