THOMPSON PINATAWAD!

THOMPSON PINATAWAD!

“Opo, napatawad ko na siya,” “Wala naman po akong galit. Ni-let go, and let God ko na po ‘yun. Gusto ko na rin po mag-start para sa sarili ko. Hindi rin po makakatulong sa ‘kin kung may galit ako sa puso ko. Alam ko po may mapupuntahan na maayos ang lahat.” Ito ang pahayag ng aktres na si Ana Jalandoni sa isang press con patungkol sa ex-bf na si Kit ThompsonHindi man ito naging madali sa aktres, nagpasya ito na magpatawad at magsimulang muli.“I learned kasi to choose na magpatawad kasi ‘yun naman ‘yung tamang paraan para maka-move on, para maumpisahan ‘yung bagong buhay na gusto ko,” Nagawa man magpatawad ni Ana sa dating kasintahan, hindi ito nangangahulugan ititigil nito ang kaso laban sa dating kasintahan.“Gusto ko rin pong magtrabaho nang magtrabaho. So dun po ako naka-focus ngayon, sa trabaho. ‘Yung case namin, iniiwan ko na lang po sa legal team ko,” paliwanag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *