PSI SINAGOT ANG NAGLABASANG BALITA UKOL KAY ISLETA

PSI SINAGOT ANG NAGLABASANG BALITA UKOL KAY ISLETA

May be an image of 1 person and text that says "By GEN VILLOTA SPORTSGEN"

IGINIIT ng pamunuan ng Philippine Swimming Inc., (PSI) na mas pinahalagahan ng asosasyon ang FINA standard time laban sa FINA ranking points para mapili ang mga nominadong swimmers at maitsapwera si SEA Games heroine Chloe Isleta sa Philippine Team na sasabak sa World Championship sa June 16 hanggang July 4 sa Budapest, Hungary.

Sa pinakabagong memorandum na inilabas ni PSI president Lani Velasco na may petsang Hunyo 9, 2022, iginiit ni Velasco na isinantabi ng asosasyon ang naunang line-up ng koponan na inilabas nitong Mayo 29 bunsod nang hindi inaasahang injury na natamo ni US-based swimmer Luke Gebbie at ang pagkapasa sa Fina standard time nina Jasmine Alkhaldi at Miranda Renner sa kanilang pagsabak sa 31st Asian Games sa Hanoi, Vietnam nitong May 17.

“Since Chloe’s selection was based on rankings by FINA points (Universality) and Jasmine and Miranda were selected by virtue of ‘B’ Standard Entry Time they achieved in a FINA Qualifying event, we had no choice but to pull out Chloe (Isleta). According to FINA Summons and our own Selection Criteria, achieving Standard Entry Times make precedence over rankings by FINA points,” pahayag ni Velasco.

Hindi pa man inilalabas ang naturang memo, mariin na itong kinondena ni Cecille Doromal-Waller, ina ni Isleta, matapos iparating sa National record holder at history maker sa Philippine swimming ang pagkakatanggal sa line-up sa isang overseas call.

“Hindi ako tinawagan dahil alam niya (Lani Velasco) na hindi ko ito iiwan, ipaglalaban ko ito. Pinaghirapan ito ni Chloe tapos aalisin nila sa line-up, para maipasok ang alaga nila na kahit hindi qualify okey lang dahil sunod-sunuran sa kania,” aniya.

Iginiit ni Doromal-Waller na illegal ang ginawa ng PSI dahil nilabag nila ang mismong panuntunan na ipinapatupad sa nomination process para sa World Championship.

“PSI violated the guidelines, their own selection guidelines! To allow their preferred athletes to be added to the roster. Why should Chloe Isleta suffer from the negligence of a coach who failed to nominate their own athlete?” pahayag ni Doromal-Waller. Aniya, ang tinutukoy ni Velascona qualifying time nina Alkhaldi at Renner ay nakuha nila sa SEA Games nitong Mayo 17, lagpas sa itinakdang deadline na May 3 at sa FINA rules na Mayo,

“Binigyan ng FINA ng sanctioned ang SEA Games hindi para gamiting qualifying time sa World Championship, bagkus para mabigyan ang mga swimmers na mapaganda ang kani-kanilang time para mabigyan ng ranking points. “Pasok si Chloe sa standard time noon pang 2021 sa kanyang pagsabli sa Puerto Rico championship. So anong sinasabi nilang sumusunod sila sa FINA Rules? Inalis nila si Chloe para mapagbigyan ang alaga nila. Ano tawag dyan, bata-bata system. Maawa naman kayo sa PSI sa mga atleta na nagsasakripisyo at sa mga coach at sa sambayang Pilipino,” pahayag ni Doromal-Waller.

Umani ng suporta mula sa netizens ang panawagan ni Doromal-Waller para sa agarang pagbibitiw ni Lani Velasco sa PSI sa pamamagitan ng #LenLaniLeave. Ilang grupo rin ng coaches and xwimming club ang nagpahayag ng pagkadismaya at handa umanong maglabas ng mga nalalamang katiwalian sa PSI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *