WARRIORS, TUMABLA SA GAME 4

WARRIORS, TUMABLA SA GAME 4

NBA finals Game 4: Golden State Warriors 107-97 Boston Celtics – live!
Warriors-Celtics live updates: Dubs need others to help injured Curry

NAGPAMALAS ng pambihirang enerhiya, intensidad, determinasyon at supremidad sa opensa sa final quarter ang Golden State Warriors at pinigilan ang Boston Celtics na magdiwang para sa ikatlong panalo sa serye sa kanilang teritoryo at naitabla sa 2-2 ang best of seven championship series 107-97 ng 2022 NBA Finals sa TD Garden.

Si Stephen Curry na bumuhay sa tagilid na sitwasyon ng Warriors sa fourth quarter matapos na magpaulan ng puntos si Jaylen Brown sa kaagahan ng pinal na yugto ay nakapag-ukit ng 43 points at 10 rebounds upang tapusin ang pinakamagandang panalo ng kanyang koponan sa finals.

Ang Celtics na determinadong makuha ang panalo sa Game 4 upang mailapit sa isang panalong agwat ang mithi nilang kampeonato sa season na ito ay nanatiling nakadikit at manaka-nakang lumalamang pa sa Kabuuan ng laro subalit nakabitaw sa natitirang mahigit na tatlong minuto ng laban.

Ang maituturing na pinakamahusay na laro ng GSW na tinampukan ng mga kapalpakan at pagkakalat ng paboritong player ni coach Steve Kerr na si Draymond Green ay swerteng nauwi pa sa panalo matapos na alatin ang Celtics sa dulo ng engkuwentro.

Ang Game 5 ay babalik sa Chase Center sa darating na Lunes, alas-9 ng gabi ET kung saan tatangkain ng warriors na makalamang ng isang panalo sa serye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *