41-ANYOS NA TULAK SA BRGY.PINAGBUHATAN, PASIG CITY, TIKLO!

41-ANYOS NA TULAK SA BRGY.PINAGBUHATAN, PASIG CITY, TIKLO!

NASAKOTE sa isang drug buy-bust operation ang isang 41 anyos na suspek kung saan nakumpiska mula sa kanya ang P44,200 na halaga ng hinihinalang shabu na naganap sa San Andres St. Pinalad, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PBGEN Orlando O. Yebra, Jr. EPD, District Director ni PCOL Roman C. Arugay, COP, Pasig CPS, nagsagawa ng isang buy-bust operation ang mga elemento ng SDEU, Pasig CPS na pinamumunuan ni PLT Kenny Khamar D. Khayad kaugnay sa isang tawag na kanilang natanggap mula sa 911 na may code number 0096 na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na isa ring electrician, may live in partner, high school level at residente ng San Andres St., Pinalad Centennial II, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Narekober mula sa suspek ang dalawang one hundred peso bill na ginamit na buy-bust money na may serial numberLT363982 at CS203877, isang knitted coin purse at 5 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na may timbang na humigit kumulang sa 6.50 grams at may standard drug price na P44,200.00.

Ang pagsasagawa ng markings at inventory ng mga nakumpiskang ebidensiya ay isinagawa sa lugar na pinangyarihan ng insidente sa ilalim ng supervision ni PCOL Arugay,COP, Pasig CPS na sinaksihan nina in the presence of Barangay Kagawad Luisito Marteja at Rey Pagaduan ng PINOY NEWS CHANNEL bilang media representative.

“The intensified campaign of the PNP against illegal drugs and lawlessness will never ceases until we reach our goal, and we urge the cooperation of the community to be with us on this battle towards a crime and drug free Pasig City,” pahayag ni PCOL Arugay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *