BINATILYO NA DRIVER TODAS SA TUMAGILID NA TRAK

BINATILYO NA DRIVER TODAS SA TUMAGILID NA TRAK

TODAS ang isang 17 anyos na binatilyo matapos tumumba at tumagilid ang sinasakyan nitong truck sa Lemery, Iloilo.Ayon sa PNP Lemery ang truck ay patungo sa bayan ng Sara, Iloilo ngunit pagsapit ng Brgy.Omio sa kasamaang palad nawalan ng kontrol ang driver ng truck matapos mawalan ito ng preno.

Naging mabilis ang pagresponde ng mga awtoridad sa aksidente at mabilis na isinugod ang biktima na ideklarang dead on arrival dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Ang nabanggit na binatilyo ay kinilalang si Ryan Venus, residente ng bayan ng Banga, Aklan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *