GIN KINGS WAGI KONTRA ROAD WARRIORS

GIN KINGS WAGI KONTRA ROAD WARRIORS

ANG Barangay Ginebra ay naglaro ng may mas malakas na espiritu sa huling labing-anim na minuto ng laban at inagaw ang panalo mula sa NLEX Road Warriors, 83-75 matapos na makalamang ang huli ng 19 puntos sa third quarter sa pagpapatuloy ng elimination round ng Honda 47th season PBA Philippine Cup.

Ang Gin Kings na nagsimula ng mabagal sa kanilang opensa at naiwanan sa kabuuan ng tatlong unang yugto ay nagpamalas ng kanilang mahigpit na depensa at sinabayan ng mabilis na opensa sa pangunguna nina Japeth Aguilar, Arvin Tolentino, Scottie Thompson, Nards Pinto at LA Tenorio upang makalapit sa 58-52 sa dulo ng third quarter.

Mula sa 58-39, pabor sa Road Warriors, nagsalitan sa paggawa ng puntos sina Aguilar,Tolentino at Tenorio para sa 13-0 run sa third at nagawang maagaw ang kalamangan sa 69-67 mahigit limang minuto pa sa fourth quarter.

Hindi na muli pang nilingon ng Gin Kings ang Road Warriors at tuluyan nang ibinaon sa natitirang tatlong minuto pa ang tropa ni coach Yeng Guiao upang makuha ng Ginebra ang kanilang ikatlong panalo sa kanilang unang apat na laro.

Si Aguilar ay nakapag-ukit ng 20 points para sa kanyang koponan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *