HIGIT 115K HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA SA 10 SUSPEK

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Remus B Medina, ang pagkakumpiska ng Php115,600.00 halaga ng shabu at pagkaaresto ng sampung suspek sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Quezon City.

Sa Cubao Police Station (PS 7) sa pamumuno ni PLTCOL Joseph Euje Almaquer, inaresto sa isinagawang buy-bust operation sina Josefino Pascua, 54 taong gulang, Marites Go, 36 taong gulang, Niño Vibal, 33 taong gulang, at Michael Dela Torre, 33 taong gulang, lahat ay residente ng Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City, dakong ika-8:10 PM, June 22, 2022, sa Golan Alley, Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City. Nakumpiska mula sa mga suspek ang 12 gramo ng shabu na nagkakahalagang Php81,600.00, isang cellphone, at ang buy-bust money.

Samantala, sa ikinasang buy-bust operation ng La Loma Police Station (PS 1) sa pamumuno ni PLTCOL Garman Manabat, inaresto si Ronel Invina, 31 taong gulang, nakatira sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, dakong ika 12:10 AM ng June 23, 2022, sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Nakumpiska mula sa kanya ang tatlong (3) pakete ng shabu na nagkakahalagang Php6,800.00 at ang buy-bust money.Inaresto rin ng Batasan Police Station (PS 6) sa pamumuno ni PLTCOL Abraham Abayari si Joseph Balansayo, 44 taong gulang, nakatira sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, sa ikinasang buy-bust operation dakong ika-8:30 ng gabi, Hunyo 22, 2022, sa Martan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Nakuha kay Balansayo ang anim (6) na pakete ng shabu na nagkakahalagang Php13,600.00 at ang buy-bust money.Sa ikinasang buy-bust operation naman ng Galas Police Station (PS 11) sa pamumuno ni PLTCOL Richard Ian Ang ay inaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina Rowel Elizaga, 36 taong gulang, Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, at Delfin Menor, 46 taong gulang, nakatira sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City, dakong alas-11:25 ng gabi, Hunyo 22, 2022, sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City.

Nakumpiska ang tatlong (3) pakete ng shabu na nagkakahalagang Php6,800.00, isang cellphone, at ang buy-bust money.

Inaresto din ang dalawang magkapatid sa ikinasang buy-bust operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa pamumuno ni PLTCOL Roldante Sarmiento, dakong ala-1:30 ng umaga June 23, 2022, sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerry Masucol, 42 taong gulang, at Jeorge Masucol, 38 taong gulang, parehong nakatira sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat (4) na pakete ng shabu na nagkakahalagang Php6,800.00 at ang buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“Ang pagkakahuli ng mga suspek ay bahagi pa rin ng ating mas pinaigting at mas pinalawak na kampanya laban sa iligal na droga. Mapa-maliit man o malaking pusher at user ay hindi makalulusot sa amin,” ang pahayag ni PBGEN Medina. “Tinitiyak namin sa publiko na ang Team NCRPO ay laging nakabantay para mapanatiling ligtas ang komunidad laban sa lahat ng uri ng paggamit at pang-aabuso ng ilegal na droga,” wika ni PMGEN Felipe R Natividad, ang Regional Director ng National Capital Region Police Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *