5 SUSPEK KABILANG ANG MAG-INA, ARESTADO SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA KYUSI

ARESTADO ang limang suspek na hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos matiklo sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa lungsod ng Quezon.

Ang pagkakadakip sa mga suspek na nagresulta sa pagkakasamsam ng may P183, 600 halaga ng hinihinalang shabu kung saan kabilang sa nadakip ang mag-ina ay inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Remus B Medina.

Ayon kay PLTCOL Imelda Reyes, Station Commander ng Masambong Police Station (PS 2), kinilala ang mag-ina na sina Elvira Adane, 53 taong gulang; Zusle Mae Adane, 25 taong gulang; parehong nakatira sa Brgy. 145, Caloocan City; at ang dalawa pang suspek na sina Antonio Bona, 32 taong gulang; at Randal Laurio, 35 taong gulang, parehong nakatira sa Manila City.Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 2 dakong ika-12:00 ng madaling araw, Hunyo 27, 2022 sa harapan ng isang bangko sa EDSA corner FPJ Ave., Brgy. Katipunan, Quezon City na kung saan isang operatiba ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng shabu sa mga suspek na nagkakahalagang Php1,500.00 na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa kanila ang limang (5) pakete ng shabu na nagkakahalagang Php156,400.00 at ang buy-bust money.Samantala, sa ikinasang buy-bust operation naman ng La Loma Police Station (PS 1) sa pamumuno ni PLTCOL Garman Manabat, inaresto din si Eugene Pagcanlungan, 21 taong gulang, nakatira sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, dakong ika-3:00 AM ng parehong araw, sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Nakuha mula sa suspek ang siyam (9) na pakete ng shabu na nagkakahalagang Php27,200.00 at ang buy-bust money.Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 of R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PBGEN Medina ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.

“Residente ka man ng Quezon City o hindi, sisikapin naming arestuhin ang sinumang sangkot sa iligal na droga kung kaya’t magkusa na kayong tumigil at talikuran ang iligal na gawain para sa inyong ikabubuti,” dagdag pa niya.“Either small or huge amount of suspected illegal drugs that are being confiscated by our operatives, it is a noteworthy accomplishment on our campaign to curb the proliferation of illegal drugs in our region. Our team will never cease to go after these drug traders as we vow to intensify our campaign against illegal drugs and anti-criminality,” ani PMGEN Felipe R Natividad, ang Regional Director ng National Capital Region Police Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *