HULING LABAS

HULING LABAS

May be an image of text that says "Sister ister Golden Hair Nobela AVILES"

INIHAGIS naman agad sa kanya ni Bonnie ang baril at maikling samurai at eksaktong nasalo niya ang mga ito ay biglang sumulpot mula sa pintuan ng bahay ang dalawang lalaki na kapwa armado ng baril.

Akmang bubunot ng baril na nakasukbit sa kanyang baywang ang unang lalaki na lumabas subalit maagap na naundayan agad niya ito ng matalim na samurai sa tagiliran kasunod ang isa pa na nahagip naman ang kaliwang kamay na may hawak na 9mm na baril.

Tahimik na inayos ng dalawa ang bangkay ng dalawang lalaki at hinintay ang pagdating nina Vinz.

“ilang minuto lang ay tiyak na darating na sina Vinz, Bonnie. Diyan ka lang sa puwesto mo at doon ako sa labas. Abangan mo ‘yung driver bodyguard niya dahil tiyak na ‘yun ang unang papasok. Pag narinig ko na nag-ingay ang gate ay susunggaban ko naman si Vinz sa loob ng kotse. Diyan na natin sa loob tatapusin ang mga hayup na ‘yun, ” wika ni Miller.

Kapwa pumuwesto na ang dalawa sa kani-kanilang lugar at ilang minuto lamang ang lumipas ay natanaw na ni Miller ang pagdating ng kotse nina Vinz mula sa may gilid ng pader na bakod na kanyang kinukublihan.

Tulad ng dating ginagawa ng bodyguard ni Miller ay bumaba siya at kinatok ang bantay sa loob ng bahay.

Eksaktong pagbukas ng maliit na gate ay halos magkapanabay na sinunggaban nina Miller at Bonnie ang dalawang mag-amo.

Hinigit ni Bonnie papasok sa loob ang bodyguard ni Vinz sabay tutok ng baril sa mukha nito habang si Miller naman ay agad na sinugod si Vinz na nakaupo sa loob ng kotse at mabilis na binasag ang binatana ng salamin saka iniumang sa ulo ng lalaki ang hawak niyang samurai.

Dahil madilim sa lugar ay walang nakapansin sa mga nangyayari doon.

Itinulak ni Miller papasok sa loob ng bakuran ng gate si Vinz.

” Dito ka Bonnie…barilin mo si Vinz kapag kumilos ng masama. Ako na ang bahala diyan sa bodyguard niyang aso. “

Pinaglipat-lipat ni Bonnie ang pagtutok ng baril sa mag-amo habang nilalapitan ni Miller ang nakaupong bodyguard ni Vinz.

Nang malapitan niya ito ay dinakot niya ang buhok ng lalaki at walang kurap na pinugutan ito ng ulo gamit ang matalas na samurai.

Sina Bonnie at Vinz ay parehong natulala at nabigla.

” Ngayon, Vinz…dalawang tanong ang kailangan mong sagutin nang maayos kung gusto mong sumunod ka agad dito sa bata mo. Una, ano ang dahilan kung bakit pinatay mo ang aking ama at sino ang kasabwat mo sa pagpatay mo sa kanya? ” tanong nito habang titig na titig kay Vinz.

” HUH?! H-hindi ko sinasadya…m-matigas ang ulo ng Daddy mo…ayaw niyang pumayag na makipagtulungan sa akin. N-natakot ako na baka mabuko ang operasyon ng grupo ko sa pagtutulak ng iligal na droga kaya pinatahimik ko na lang siya. Nalaman niya kasi na ang mga kahon ng bala na idinedeliber ko sa firing range ninyo ay may laman na shabu. Kasabwat ko yung isang tao ninyo na hindi alam ng Daddy mo at ng Ninong mo. Nang nalaman ng Daddy mo ang tungkol doon ay kinausap ko siya na pabayaan na lang niya kami pero sinabi niya na kapag hindi ko raw itinigil ang operasyon namin ay isusuplong niya kami sa mga awtoridad. Bago ko siya binaril ay nagtalo pa kami at pinakiusapan ko siya pero matigas ang iyong ama! ” paliwanag ni Vinz.

Nagsalubong ang kilay ni Miller.

Hinablot nito ang buhok ni Vinz at saka tinagpas ang leeg nito ng kanyang hawak na samurai.

Laglag at gumulong sa sahig na semento ang ulo ni Vinz.

” Hayup ka! Dahil sa kawalanghiyaan mo ay marami ang nadamay…ginawa mo pa kaming kriminal! Tabla na tayo…ang mga salot na gaya nyo ay hindi na dapat pinagtatagal sa mundo! Tayo na Bonnie baka marami nang kostumer sa parlor! ” wika ni Miller.

” Okay, boss…mas masarap magkulot kaysa mamutol ng leeg ng mga salot! Hehehe. “

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *