PNP NAGBABALA SA PUBLIKO TUNGKOL SA MALING PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA PLATFORMS

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa maling paggamit ng social media platforms partikular ang tungkol sa pagpo-post ng mga seksing larawan o malalaswang video ng isang tao nang walang pahintulot.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang pagkuha ng larawan o video ng isang tao ay may karampatang pananagutan sa batas kung hindi pumapayag o walang pagsang-ayon ang taong kanilang kinunan ng larawan.

“We ask the public to be responsible in using the internet as your wrong actions can degrade someone’s reputation,” pahayag ni Danao Jr.

Kamakailan ay isang 34-anyos na truck driver ang naaresto ng mga operatiba ng Anti-Cybercrime Group sa Pasig City matapos umanong kunan ng video ang isang 19-anyos na babae at i-post ito sa Facebook account ng suspek na may mga malalaswa pang komento.

Ayon sa pulisya, kasalukuyan noon na nagsasagawa ng kanyang morning exercise ang biktima sa harap ng isang convenience store sa may Barangay Ugong nang kunan siya ng video ng suspek.

“This is a classic example of how the fundamental rights and privacy of other people can be violated if they are disrespected even on social media,” dagdag pa ni Danao.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong violating Republic Act 11313 or the Safe Spaces Act and RA 10175 or the cybercrime law.

Pinuri ni Danao ang mga opisyal ng barangay at mga kapulisan sa pagkaaaresto ng suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *