900,000 BENEFICIARIES NG PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM (4Ps) NANGANGANIB MATANGGAL SA LISTAHAN NG DSWD

POSIBLENG matanggal ang mahigit 900,000 na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo.

Sinabi ng kalihim na ipinag-utos ni President Ferdinand ” Bongbong ” Marcos Jr. na tanggalin na sa nabanggit na programa ang mga miyembro ng 4Ps na hindi naman umano talaga kuwalipikado upang makatanggap ng benepisyo mula rito.

Ayon kay Sec. Tulfo, posible na may 900,000 na mga miyembro nito mula sa kabuuang mahigit na apat na milyong kasapi sa kasalukuyan ang maaring matatanggal sa programa.

Sa naturang programa ng gobyerno, tanging ang mga pamilya lamang na may mga anak na ang edad ay mula 14-anyos pababa ang dapat na makatanggap ng tulong o ayuda na limandaang piso kada-pamilya bukod pa ang tatlong daang piso na nakalaan naman para sa pag-aaral ng kada isang bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *