LAMPAS!

MAITUTURING na isang napakasamang kostumbre o pag-uugali ng isang tao ang pagiging pakialamero o pakialamera.

Kaya nga maraming pinoy ang hindi natutuwa sa kanilang mga biyenan (joke lang!)

At s’yempre, kahit naman siguro sa kahit saang panig ng mundo ay nais ng bawat isang indibidwal na siya ay magkaroon ng tunay na kalayaan…’yung paggalaw na ‘ika nga eh ‘free as a bird’.

Naging word of the day para sa akin ang katagang ‘yan dahil mayroon na namang isang banyagang nagpapakabayani…tumitindig upang ipagtanggol itong pinuno ng RAPPLER na si Maria Ressa.

Si Maria Ressa na unang na-convict sa kasong cyberlibel sa Manila RTC kasama ang kanyang writer na si Reynaldo Santos Jr. na sinusugan ng isa pang conviction mula sa court of appeals.

Ibig sabihin, sa mga nabanggit na korte ay iisa ang naging hatol ng ating mga mahistrado tungkol sa kaso nilang dalawa na isinampa laban sa kanila ng isang pribadong mamamayan matapos na dalawang beses nilang ilabas sa kanilang website na ang naturang tao ay isang drug trafficker at isang murderer na napatunayang wala naman palang katotohanan.

At pagkatapos ng pakialamerang sina Hilary Clinton at human rights lawyer na si Amal Clooney, isang Irene Khan na Special Rapporteur on freedom of opinion and expression ng United Nations ang ngayon ay hindi lang binabastos ang ating mga mahistrado at mga hukuman dito sa Pilipinas kundi inuutusan din ang ating bagong upong Pangulo na si Pres. Ferdinand ” Bongbong” Marcos jr. upang iatras umano ang kaso laban kay Ressa at pahintuin ang mga pag-atake sa press freedom na nagaganap umano dito sa ating bansa.

Binabastos dahil hindi nirerespeto ng SYUNGANG ito ang ating korte at mga mahistrado.

Eh put…naalala ko tuloy si TATAY DIGONG!

Eh may WATIWAT yata sa utak ang isang ito eh.

Tulad ng ibang mga nangingialam noon mula sa ibang bansa tungkol sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte na naniwala na ang Pilipinas sa kanyang panahon ay animo isang war zone na parang mga manok lamang kung patayin ang mga tao ay heto at isa na namang kagalang-galang na personalidad na nagmula pa naman sa UN ang pumapasok sa eksena sa isang pangyayari na hindi naman naman niya nasaksihan at wala siyang alam.

Kayang-kaya kayong utuin at paikutin nitong si Ressa.

Tsk tsk ipinapakita n’yo lang na mas mga bobo pa kayo kaysa mga pinoy na nasa third world country.

Eh ano ba’ng kinalaman ni BBM sa kaso niyang si Ressa eh kauupo lang niyan sa Malakanyang?

Buti na lang at hindi ang aydul natin na si Sen. Imee Marcos ang pangulo, aynaku…lulutang ka sa kape!

Ang nagdemanda kay Ressa ay isang pribadong tao at hindi ang gobyerno ng Pilipinas, SYUNGA!

At walang press freedom na sinisikil dito sa aming bansa at katunayan nga kahit ipinasasara na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang RAPPLER at dapat nang huminto sa kanilang operasyon ay nariyan pa rin at panay ang kanilang paglalabas ng kanilang mga balita.

Hindi nga namin alam kung bakit hanggang ngayon ay nag-e-exist pa kayo.

Kung si Maria Ressa ay isang ‘tunay’ na pilipinong mamamahayag na sinisikil ang karapatan, ginigipit ng pamahalaan at inaapakan ang karapatan ay tiyak na nasa likod niya ang lahat ng mga journalist at broadcaster dito sa bansa dahil lahat kami ay papalag kapag may ganyang pangyayari.

Ang problema ay wala namang ganyang pangyayari dito para sa kaliwanagan ng isip ng ating mga kababayan.

Isang gagong journalist na sumisigaw na inaatake ang press freedom dito sa ating bansa na pinaniniwalaan halos ng buong mundo samantalang siya lang naman ang umaangal na sinisikil ang kalayaan sa pamamahayag dahil makukulong siya sa isang kaso na ang kanyang kalaban ay isang pribadong tao na naagrabyado nila.

Matagal na rin akong writer, reporter,kolumnista, nobelista, editor at maaring hindi ako kasinghusay o kasintalino ng mga taga-RAPPLER.

40 years na mahigit ako nagsusulat pero kahit isang libel case ay hindi ako nagkaroon niyan.

Dahil sinusunod ko ang tamang etiketa sa pagsusulat at naniniwala ako na ang mga taong nakakasuhan ng libel o cyberlibel, kung hindi abusado ay SYUNGA!

Kung ayaw nating mademanda at malagay sa hindi magandang sitwasyon na may kinalaman sa ating propesyon, huwag tayong lumampas sa ating maliit na kapangyarihan.

Kayo ang may inabuso at kayo ang nanghiya ng isang tahimik na mamamayan tapos nang gantihan kayo ay pa-victim kayo at pa-beybi sa mga SYUNGANG dayuhan na hindi naman alam kung ano ang totoo.

Kayong mga taga-UN, ‘wag kayong pumayag na may mga tao kayo na nangingialam sa batas ng isang malayang bansa na gaya ng Pinas…kung ayaw ninyong masabihan kayo na MGA BASTOSSS!

BWISIT!

Ginaganahan talaga ako kapag ikaw ang isyu, Maam Ressa.

Cute ka kasi!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *