ABRA NIYANIG NG MAGNITUDE 7 NA LINDOL

MAGNITUDE 7 na lindol ang yumanig sa Lagangilang sa Abra kaninang umaga na naramdaman din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), eksaktong 8:43 nang umaga kanina nang matukoy ang epicenter ng lindol sa Lagangilang, Abra, na may “tectonic” na origin.

Naitala naman ang Intensity IV o “moderately strong” sa ilang bahagi ng Metro Manila, ayon sa Phivolcs.

“The tremor happened at 8:43 a.m., 2 kilometers southeast of Lagangilang town. It was tectonic in origin and had a depth of 25 kilometers,” ayon pa sa report ng Phivolcs.

Dahil sa lakas ng naganap na lindol, inaasahan na ang malawakang damage sa iba’t ibang bahagi ng naapektuhang lugar.

Pinag-iingat na rin ang mga residente sa posibleng aftershocks.Bagama’t mula sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang origin ng lindol, naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang malakas na pagyanig na umabot nga sa National Capital Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *