PAGPAPASIGLA NG EKONOMIYA, PRAYORIDAD NI PBBM

NAILATAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa isang oras na State of the Nation Address (SONA) ang plano umanong singilin na ng gobyerno ng value added tax (VAT) ang mga digital service provider para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya at pagsasa-ayos sa sistema ng buwis.

Dagdag pa ng Pangulo, dapat ibatay ang tax system ng gobyerno sa mabilis na pagbabago sa digital economy.Anya, aabot sa P11.7 bilyon ang madaragdag sa pondo ng gobyerno sa 2023 kapag pinatawan na ng VAT ang mga digital service providers.

Ang mga pamama-raan sa pangongolekta ng buwis ay gagawin na ring mas simple upang mas maging madali ang pagbabayad.Isa rin sa mga dapat tutukan para umunlad at tumaas ang bilang ng mga may trabaho ay ang agricultural sector.

Nais ni Marcos na itaas ang produksiyon ng pagkain upang hindi magkaroon ng kakulangan sa suplay.

Binanggit din niya ang pagbibigay ng pautang sa sektor ng agrikultura.Balak din ng Pangulo na palakasin ang turismo sa pamamagitan nang pagsasaayos ng mga kalsada at mga paliparan.

Iniutos din nito sa DSWD ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad at mga iba’t ibang krisis.Special mention sa mensahe ni Marcos ang mga solo parents at mga nanay na biktima ng karahasan.

Ipinag-utos din niya sa Department of Migrant Workers (DMW) na isulong ang pagbibigay ng automated services para mabilis na matulungan ang mga OFWs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *