UNANG KASO NG MONKEYPOX SA PINAS KINUMPIRMA NA NG DOH

KINUMPIRMA na ng Department of Health (DOH) at naitala na ang kauna-unahang kaso sa Pilipinas na naitala ang Monkeypox.

Ito ang nagging pahayag ni Health Undersecretary Dr. ¬Beverly Ho sa media briefing sa Malacañang kahapon na ang pasyente ay isang 31-anyos na Pinoy na hindi tinukoy ang gender o kasarian at dumating sa bansa noong Hulyo 19 mula sa bansang kumpirmadong mayroong mga kaso ng monkeypox.Hindi rin ibinunyag kung saang lugar sa Pilipinas kasalukuyang nananatili ang pasyente.

Kamakalawa lamang umano (Hulyo 28) nakumpirma ang kaso sa pamamagitan ng RT-PCR test.

Na-discharge na sa ospital ang pasyente at istriktong sumasailalim sa isolation at moni¬toring sa kanyang bahay. Kumpleto na rin umano ang imbestigasyon sa 10 close contacts kung saan 3 dito ay kasama ng pasyente sa bahay at lahat ay naka-quarantine na rin gayundin din ang iba.Wala naman umanong sintomas ang 10 close contact ng first monkeypox case.Nabatid naman na ang nasabing sakit ay may potensyal na makahawa sa pamamagitan ng sexual contact, hindi katulad ng COVID-19 na madaling makahawa sa pamamagitan lamang ng hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *