BUROL NG PUMANAW NA DATING PANGULONG RAMOS SA HERITAGE PARK BINUKSAN NA PARA SA ILANG OPISYAL

BUBUKSAN na mula ngayong umaga ang burol ng na-cremate na labi  ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park sa Taguig City para sa mga piling opisyal ng gobyerno na nais magbigay ng kanilang huling respeto sa pumanaw.

Bagama’t hindi pa ito binuksan sa publiko, pinapayagan na ang piling grupo at sektor na nais na magtungo roon upang makiramay gayundin ang mga piling opisyal ng gobyerno na naging malapit sa dating pangulo.mula alas- 7:30 ng umaga hanggang 12:30 ng hapon ay bubuksan ang burol habang papayagan naman mula alas-3 hanggang alas-4:30 ng hapon na makadalaw sa burol ang mga miyembro ng Gabinete noon ni Ramos gayundin ang mga naging bahagi ng Ramos Peace and Development Foundation Incorporated.

Magdaraos naman ng misa dakong alas-5 ng hapon at pagkatapos nito ay magkakaroon ng tribute o parangal para kay Pangulong Ramos mula alas-6:30 ng hapon hanggang ikawalo ng gabi at bukas ang burol hanggang alas-10 ng gabi.

Papayagan naman na makadalaw sa burol ang ilang mga grupo bukas at hanggang Lunes ng gabi ang schedule ng lamay at ihahatid sa kanyang huling hantungan si Pangulong Ramos sa araw ng Martes, Agosto 9.

Ginawa ng pamilya Ramos ang magkakaparehong visiting hours at ganitong schedule upang makasunod sa health and safety protocols kaugnay pa rin ng COVID-19 pandemic na nananatili pa rin sa bansa.

Ang public viewing ay sisimulan naman sa Agosto 7 mula alas-7 ng umaga hanggang 12:30 ng hapon at sa araw ng Lunes bandang alas-7 ng umaga hanggang 4pm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *