MONKEY POX HINDI SAGABAL SA PAGBUBUKAS NG KLASE SA AGOSTO 22

HINDI makaka antala o dahilan para maka sagabal ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22 sa kabila ng pagkakadiskubre ng unang kaso ng monkeypox sa bansa dahil sa mga itinakdang “safeguards” ng pamahalaan, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa pahayag ni Vergeire na katuwang ang Department of Education (DepEd) ay palalakasin nila ang screening sa mga mag-aaral at mga guro na magbabalik sa mga paaralan.

“Walang papasok dapat sa eskwela na may mga sintomas o ‘di kaya kung meron nang mga lesions, makita na natin agad,” paliwanag ni Vergeire.

Inihayag ito ni Vergeire makaraang sabihin ni DepEd spokesperson Michael Poa na babase sila sa panuntunan na ilalabas ng DOH kaugnay ng monkeypox virus.Nadiskubre nitong Hulyo 28 ang unang kaso ng mokeypox sa bansa na isang 31-anyos na pasyente na galing sa ibang bansa at dumating ng Pilipinas nitong Hulyo 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *