DARRYL YAP, NAGPALIWANAG!

Sa isang panayam sa direktor ng kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang” na si Darryl Yap nagbigay ito ng kanyang saloobin at pahayag para sa mga naging biktima ng “Martial Law.

” Naging kontrobersyal ang nasabing pelikula dahil sa mga kaliwa’t kanang batikos ng mga kritiko ng pamilyang Marcos.Ayon sa direktor: “Walang dapat ipag-alala ang mga nasaktan noong panahon na ‘yun, sapagkat hindi ko naman sinabing walang nasaktan noong panahon na ‘yun. Hindi ko sinabing walang naabuso, walang natapakan, o ‘di naman kaya ay walang kalabisan o pagkukulang ang mga Marcos,”“Sa mga biktima ng Batas Militar, hindi ko po puwedeng sabihin na ang panunungkulan ng kahit sinong presidente ay perpekto, ang panunungkulan ng kahit sinong opisyal ng gobyerno ay walang butas. Ako po, naniniwala ako na may mga kalabisan during Martial Law. Pero hindi po ako naniniwalang lahat ‘yun ay utos na nanggagaling sa Malacañang,” “Dapat bigyan po natin ng espasyo, ng duda, gaya ng pagbibigay natin ng duda sa iba nating mga lider na, ‘Hindi naman ito ginusto ni President…’ Nagkaroon ng hostage-taking, it’s beyond his control. Nagkaroon ng national calamity, it’s beyond her control. Alam niyo po ‘yun? Hindi ako naniniwalang dapat isisi sa iisang tao ang lahat,”“Of course, kung sino ang nagtalaga sa taong gumawa ng mali, dapat meron din siyang pananagutan,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *