KUMAKALAT SA SOCMED…AGOSTO 9 HINDI SPECIAL NON WORKING HOLIDAY-MALACANANG

KUMAKALAT SA SOCMED…AGOSTO 9 HINDI SPECIAL NON WORKING HOLIDAY-MALACANANG

MARIING nilinaw ng Malacañang na hindi special non-working holiday ang Agosto 9, araw ng libing ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Kaagad na nilinaw ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang isyu matapos may lumabas na ulat sa social media na nagsasabing idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na holiday ang Agosto 9.

Dagdag pa n ni Angeles, dapat hindi paniwalaan ang kumakalat na mga post sa Facebook

“Huwag po tayo maniwala sa mga kumakalat na post sa Facebook at sa iba pang social media platform na idinedeklarang special non-working holiday ang August 9, 2022.

Hindi po ito totoo at walang inilalabas na anunsyo o proklamasyon tungkol dito,” ani Angeles.

Pinayuhan din ni Angeles ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media.

Sa Agosto 9 ililibing sa Libingan ng mga Bayani si Ramos kung saan gagawaran siya ng state funeral at full military honors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *