Buhain, COPA panauhin sa TOPS

May be an image of 1 person and text that says "By GEN VILLOTA SPORTSGEN"

NAPAPANAHONG talakayan ng kasalukuyang estado ng swimming gayundin ang mga plano para higit pang maiangat ang grassroots sports program ng bansa ang sentro ng usapin sa pagbisita ni swimming legend Congressman Joseph ‘Eric’ Buhain Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc.

(TOPS) ‘ Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Agosto 11) sa Behrouz Restaurant, 50 Scout Tobias-Sct. Fernandez, Timog, Quezon City.

Isa sa pinakamatagumpay na atleta sa bansa bilang two-time Olympian, SEA Games record holder, at Philippine Sports Hall-of-Famer, inaasahang tatalakayin ni Buhain ang mga program sa kanyang mga ihahaing panukalang batas na maglalayong amyendahan at palakasin ang kasalukuyang mga batas upang mabigyan ng mas maraming benepisyo at seguridad sa kalusugan ang mga nagretiro at kasalukuyang mga pambansang atleta at mga coach.

Ang dating Philippines Sports Commission (PSC) at Games and Amusement Board (GAB) Chairman ay nahalal na Congressman para sa 1st District ng Batangas sa National Election nitong nakaraang Mayo.

Makakasama niya sa lingguhang sports forum na itinakda sa 10:30 ng umaga at itinataguyod ng PSC, GAB, Pagcor, at Behrouz, ang opisyal na lugar ng TOPS, si dating national swimming coach Carlos ‘Pinky’ Brosas na tatalakay sa mga programa at proyekto ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA).

Iniimbitahan ni TOPS president Maribeth Repizo-Santos ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal pati na rin ang mga mahihilig sa sports na dumalo at lumahok sa talakayan na mapapanood din ng live streaming sa opisyal na Facebook page ng TOPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *