NATAGPUANG BUNGO AT MGA BUTO SA ISANG MASUKAL NA LUGAR SA PUERTO PRINCESA NAKUMPIRMANG KAY JOVELYN GALLENO BATAY SA RESULTA NG DNA TEST

KINUMPIRMA na ng mga awtoridad na ang natagpuang kalansay at mga buto sa isang magubat na bahagi ng Sitio Pulang Lupa sa Puerto Princesa City, Palawan ay walang iba kundi ang labi ng nawawalang babae ng 22-anyos na si Jovelyn Galleno.

Nakumpirma na 99.9 percent na kalansay umano ng nawawala na si Galleno ang natagpuan sa nabanggit na lugar matapos ang lumabas ang resulta ng isinagawang DNA test ayon sa Regional Public Information Office ng Police Regional Office ng MIMAROPA.

Matatandaan na naging laman ng mga balita ang tungkol sa pagkawala ng biktima noong Agosto 5, 2022 at matapos ang mahigit dalawang linggong paghahanap sa dalaga ay natagpuan ang mga kalansay nito at bungo noong Agosto 23, 2022 kasama ang mga kagamitan ng biktima matapos na umamin ang suspek na pinsan ni Jovelyn na si Leobert Dasmarinas na mayroon siyang nalalaman tungkol sa pagkawala ng babae at pagkatapos ay itinuro nito kung saan makikita ang kanyang pinsan.

Nakatakdang magsampa ng reklamo ang mga awtoridad sa mga itinuturing na person of interest kasabay ang pagsasaayos ng mga ebidensiya at salaysay na kinakailangan sa pagsasampa ng demanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *