MGA TINDAHAN NG PAROL ITINAYO NA SA LAS PINAS, BATANGAS, BULACAN AT CAVITE SA PAGSISIMULA NG “BER” MONTHS

giant lanterns
TIGNAN: Makukulay na parol at iba... - Bombo Radyo La Union | Facebook

Bentahan ng parol sa QC, 'unti-unti' nang lumalakas, ayon sa ilang  nagbebenta | ABS-CBN News

NAGSIMULA nang magtayo ng mga tindahan ng parol sa tabi ng highway at mga lansangan sa Bulacan, Cavite, Batangas at Metro Manila sa pagsisimula ngayong araw, September 1 ng “Ber” months na pag-uumpisa ng mahabang christmas celebration dito sa Pilipinas.

Muli na namang masisilayan ng ating mga mata ang mga naggagandahang parol na may iba’t ibang kulay na kumukutitap at umiikot na nakadispley sa mga gilid ng kalsada na nagpapahiwatig na nalalapit na naman ang panahon ng kapaskuhan.

Gayunman, kung noong nakaraang taon ay tumaas ang presyo ng mga panindang parol dahil na rin sa epekto ng pandemya, mas higit na umangat pa ang halaga ng mga parol ngayon dahil nagsitaas na rin ang presyo ng mga materyales na ginagamit nila sa paggawa ng parol.

Umaasa pa rin ang mga tindero at tindera ng parol na patuloy namang tatangkilikin ng mga pilipino ang kanilang mga produkto dahil likas sa mga pinoy ang pagiging tradisyunal at makadiyos mapagmahal sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *