MGA PAGBABAGONG GAGAWIN SA AHENSIYA IBINAHAGI NI PSC CHAIRMAN NOLI EALA

TULAD ng inaasahan, naging masaya at komportable sa kanyang unang araw bilang bagong talagang Philippine Sports Commission (PSC) Chairman si dating Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner at former Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director at agad niyang ibinahagi ang mga programa niya para sa bagong tungkulin.

Si Eala ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong chairman ng PSC kamakailan at ikalawang appointee ng pangulo sa apat na komisyuner na miyembro na bumubuo sa PSC board kasunod ng unang hinirang na si RP bowling legend Bong Coo.

Ayon kay Eala, sisiguruhin niya na magkakaroon ang ahensiya ng pangmatagalang programa para sa kapakanan at ikakatagumpay ng mga atleta at bukod pa rito ay palalakasin umano niya ang initiative sa sports at bawat atleta ay siguradong tatanggap ng nararapat na suporta mula sa ahensiya.

Isa rin umano sa kanyang tututukan ay maigting na pakikipag-ugnayan sa private sector upang makakuha ng suporta na kakailanganin sa PSC.

Nais din umano niyang sundan ang mga mabubuting nagawa at matagumpay na pamamahala ni dating PSC chairman na si William ” Butch ” Ramirez na na nagresulta sa pagkamit ng bansa sa kauna-unahang gintong medalya sa olympic mula sa weightlifting.

Sinabi rin niya na nais niyang mas patatagin ang alyansa at ugnayan ng PSC sa Philippine Olympic Committee (POC) na alam niyang malaki ang maitutulong hindi lamang sa mga atleta kundi sa kabuuan ng buong larangan ng palakasan.Bagong naging PBA commissioner kasi si Eala ay itinaguyod nito ang regional league na Liga Pilipinas at naging executive director ng Samahang Basketball ng Pilipinas.

“The plan is to strengthen that alliance. We have made great strides in the last few years in sports. My new administration will seek to ensure sustainability of the success of our programs for the long term,” pahayag ni Eala.

“We will continue with programs that will further strengthen our sports initiatives. We will create pathways for all to get involved in sports while ensuring that elite athletes are provided with all they need to be successful,” dagdag pa niya.

Ikinatuwa naman ni POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkakapili kay Eala sa bago nitong posisyon dahil sa mahusay at katangi-tanging record nito sa mga programang may kinalaman sa sports sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *