CANELO ALVAREZ, LIYAMADO KONTRA GOLOVKIN

CANELO ALVAREZ, LIYAMADO KONTRA GOLOVKIN

Photos: Canelo Alvarez vs. Gennadiy Golovkin 3 weigh-ins and faceoff

LIMANG taon makalipas ang kanilang matinding pagtutuos na nagwakas sa split draw kasunod ang rematch noong 2018 na pinagwagian naman ni Saul ” Canelo ” Alvarez sa pamamagitan ng majority decision ay muling magtatangka si Gennadiy Golovkin laban sa una para sa titulo ng super middleweight ngayong Setyembre 17, 2022 ganap na alas-8:00 ng gabi (ET) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Higit na pinapaburan pa rin sa labang ito ang Mexican boxer na si Alvarez dahil sa kanyang lakas at diskarte bagama’t hindi rin naman gaanong dehado si Golovkin dahil higit na mas agresibo at maraming pinakawalan na suntok ito sa kanilang nakalipas na mga paghaharap at paborito rin si Alvarez na magwagi rito ng mga odd-bettors.

Si Golovkin ay may 42 panalo, isang talo at isang draw at may 37 knockout na naitala habang si Si Alvarez ay may 57 panalo, 2 talo, isang tabla at may 39 knockouts.

Kokolekta sa labang ito ng tumataginting na $20 milyon na premyo si Golovkin at $45 milyon ang posibleng maisubi rito ni Alvarez.

Mapapanood ng live ang main event na bakbakang ito sa MMAmania.com habang tampok din dito ang pagtutuos nina Jesse ” Bam ” Rodriguez na ipagtatanggol ang kanyang Super Flyweight title laban kay Israel Gonzales, Gabriel Rosado kontra Ali Akhmedov at blue chip prospect Austin Williams laban sa Briton na si Kieron Conway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *