CANELO ALVAREZ WAGI KONTRA GGG

CANELO ALVAREZ WAGI KONTRA GGG

Canelo vs GGG 3 full fight video highlights - Bad Left Hook

DINOMINA  ng undisputed super middleweight champion na si Saul ” Canelo ” Alvarez ang kanyang pakikipagtuos sa ikatlong pagkakataon kay Gennadly Golovkin at ipinamalas nito ang kanyang pambihirang punching power upang masikwat ang panalo sa pamamagitan ng isang unanimous decision Sabado ng gabi (ET) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Matapos ang kontrobersyal na unang dalawang laban nina Alvarez at Golovkin kung saan halos dikit lamang ang naging mga resulta nito, walang pag-aalinlangan na ipinakita ni Alvarez ang dominasyon niya sa depensa at malalakas na mga kumbinasyon upang mangibabaw sa kanilang ikatlong laban. 

Si Alvarez ay nakakuha ng mas angat na mga numero sa scorecards, 116-112, 115-113 at 115-113.

Sa unang walong round ay hindi gaanong naging aktibo si Golovkin habang si Alvarez ay nag-concentrate sa epektibong jabs,mga kumbinasyon at left hooks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *