MGA “MARITES” AT MAHILIG MAGKALAT NG FAKE NEWS YARI SA PANUKALANG BATAS NA INIHAIN NI SEN. JINGGOY ESTRADA

MGA “MARITES” AT MAHILIG MAGKALAT NG FAKE NEWS YARI SA PANUKALANG BATAS NA INIHAIN NI SEN. JINGGOY ESTRADA

NAGHAIN ng panukalang batas si Senator Jinggoy Estrada upang magkaroon ng mabigat na kaparusahan ang paggawa at pagpapakalat ng “fake news.”

Sa pamamagitan ng kanyang inihain na Senate Bill 1296 ay umaasa ang senador na mababawasan na o tuluyang mahihinto ang talamak na pagkakalat ng maling mga impormasyon at balita sa internet na labis na nagdudulot ng kaguluhan at pagkalito sa ating mga kababayan partikular ang mga mahilig sa social media kapag maamyendahan ang Sections 3 at 4 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.

Nilalayon ng panukalang batas na ito na isama sa listahan ng punishable acts sa ilalim ng batas ang paggawa at pagpapakalat ng fake news sa pamamagitan ng computer system at iba pang kauri nito.

Sa pamamagitan nito ay maidadagdag sa isinasaad ng Section 3 na ang pagkakalat ng misinformation at disinformation ng istorya, facts at news na ipiniprisinta ng may katotohanan na wala namang tiyak at malinaw na kumpirmasyon na naglalayon na baluktutin ang katotohanan o iligaw ang mga makakabasa nito ay maituturing na isang fake news.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *