WILLIAM NAVARRO, UMAASA NA MAIPAGPAPATULOY ANG BASKETBALL CAREER

WILLIAM NAVARRO, UMAASA NA MAIPAGPAPATULOY ANG BASKETBALL CAREER

UMAASA si William Navarro na magkakaroon pa rin ng katuparan ang asam niya na maipagpatuloy ang kanyang basketball career matapos na humingi ng apologized sa national federation sa ginawa niyang pagpirma ng kontrata sa isang koponan para maglaro sa Korean Basketball League (KBL).

Ito ay matapos na hindi siya makakuha ng clearance mula sa FIBA upang makasali sa Seoul Samsung Thunders dahil mayroon siyang active contract sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Sa ilalim ng probisyon ng nabanggit na kontrata, maari lamang umanong makapaglaro si Navarro sa NorthPorth batang Pier, ang koponan na kumuha sa kanya noong 2021 PBA Rookie Draft.

Sa kanyang inilabas na statement ngayong Huwebes ay humingi ng paumanhin si Navarro tungkol sa masalimuot na sitwasyon na kanyang napasukan at nilinaw din niya na nakipag-usap na rin umano siya sa pamunuan ng SBP upang matalakay ang isyung ito.

“Last Monday, I attended the Gilas Pilipinas practice session at the Meralco Gym in a positive response to the invitation to me, and to show my support and commitment to the national team,” pahayag ni Navarro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *