APELA NG KAMPO NI NAVARRO PARA SA PAGPIGIL SA PAGSAMPA NG DEMANDA LABAN SA KANYA, IBINASURA NG CA

APELA NG KAMPO NI NAVARRO PARA SA PAGPIGIL SA PAGSAMPA NG DEMANDA LABAN SA KANYA, IBINASURA NG CA

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ng kampo ng actor-host na si Vhong Navarro upang pigilin ang pagsampa ng kasong rape at acts of lasciviousness laban sa kanya sa dalawang insidente noong taong 2014.

Nakasaad sa pitong pahinang ruling na may petsang Setyembre 20, ay ibinasura ng Special Fourteenth Division ng CA ang motion for reconsideration at pag isyu ng status quo ante order na naglalayon na pigilin ang pagpapatupad ng utos ng CA sa Taguig Office of City Prosecutor na pagsasampa ng kaso.

“A status quo ante order has the nature of a temporary restraining order. It is an established doctrine that injunction will not lie to enjoin a criminal prosecution,” pahayag ni CA Associate Justice Florencio Mamauag, Jr. sa resolution na sinang-ayunan nina associate justices Walter Ong at Mary Charlene Hernandez-Azura.

“The reason for this rule is that the accused has an adequate remedy at law by establishing as a defense to the prosecution that he did not commit the act charged, or that the statute, on which the prosecution is based, is void, and, in case of conviction, be taking an appeal. Public interest requires that criminal acts be immediately investigated and prosecuted for the protection of society,” paliwanag pa ni Judge Mamauag Jr.

Matatandaan na binaligtad ng naturang CA Division noong buwan ng Hulyo ang resolusyon ng Department of Justice na una nang nagbasura ng alegasyong panggagahasa laban sa aktor.

Kasunod ng naging utos ng CA ay agad na nagsampa ng mga kasong rape at acts of lasciviousness ang Taguig Prosecutors sa dalawang magkaibang korte sa lungsod sa mga unang bahagi ng buwang ito.

Si Navarro ay kasalukuyang nakadetine sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos na isuko ang kanyang sarili noon para makapagpiyansa kasunod ng pag-isyu ng dalawang magkasunod na warrant of arrest laban sa kanya kung saan ang isa ay non-bailable offence.

I

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *