SUPER TYPHOON KARDING LUMALAKAS PA HABANG PAPALAPIT SA KALUPAAN

SUPER TYPHOON KARDING LUMALAKAS PA HABANG PAPALAPIT SA KALUPAAN

 BAGAMA’T hindi kasinlakas ng hangin na naranasan noon sa bagyong Yolanda, ang bagyong Karding ay maituturing na ngayong isang super typhoon na may kakaibang lakas kung saan naitaas pa ng PAGASA sa Tropical Signal number 5 sa may polilio islands at extreme northern portion ng lalawigan ng Quezon kabilang na rin ang northern at central ng general Nakar gayundin ang northeastern na bahagi ng Infanta, katimugang bahagi ng Aurora, silangang bahagi ng Bulacan at timog silangang bahagi ng Nueva Ecija.

Ang sentro ng bagyong Karding ay huling namataan sa layong 175 kilometers silangan ng Infanta, Quezon na may taglay na lakas ng hangin na 195 kph malapit sa gitna at pagbugsong 240 kilometers per hour at kinakitaan ito ng patuloy pang paglakas habang tinatahak ang hilagang bahagi ng Quezon at katimugang bahagi ng Aurora at sa kasalukuyan ay kumikilos si Karding patungo sa direksyon ng kanluran sa bilis na 20 kph.

Isinailalilim naman sa signal no. 4 ang mga lugar ng Calaguas Islands; southern portion ng Aurora kasama ang Dingalan, Baler, San Luis Maria Aurora gayundin sa northern portion ng Quezon, southeastern portion ng Nueva Ecija kabilang na ang general Tinio,City of Gapan, Gabaldon,Peñaranda ; silangan at gitnang bahagi ng Bulacan kabilang ang Norzagaray, San Miguel, Doña Remedios Trinidad San Ildefonso, San Rafael, Angat at San Jose del Monte; northeastern portion ng Rizal kabilang ang Tanay, Antipolo City, Rodriguez,San Mateo, Baras pati na ang hilagang bahagi ng Laguna sa mga bayan ng Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil.

Signal no. 3sa gitnang bahagi ng Aurora (Dipaculao); timog silangang bahagi ng Nueva Vizcaya kasama na ang Dupax del Sur, Dupax del Norte,Alfonso Castaneda, ; natitirang bahagi ng Nueva Ecija; Tarlac; nalalabing bahagi ng Bulacan; Pampanga; Zambales; Bataan; Pangasinan; Metro Manila; ilang bahagi ng Rizal; hilaga at gitnang bahagi ng Laguna kasama na ang Pakil, Mabitac, Siniloan,Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, mga siyudad ng San Pedro, Biñan, Santa Rosa, Cabuyao, Calamba pati na ang Los Baños, Bay, Calauan); northeastern portion ng Cavite kasama ang Bacoor City, Imus City, Kawit, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, City of General Trias, Rosario, Silang); natitirang bahagi ng hilaga ng Quezon sa Real, Infanta,General Nakar, Mauban; at hilagang bahagi ng Camarines Norte sa may Capalonga,Vinzons, Paracale, Jose Panganiban.

Nakataas naman ang signal number 2 sa Silangang bahagi ng Isabela kabilang ang ang San Guillermo, Echague, San Agustin Dinapigue, Jones; Quirino; natitirang bahagi ng La Union; Nueva Vizcaya; Benguet; nalalabing bahagi ng Aurora; natitirang bahagi ng Cavite; Batangas; natitirang bahagi ng Laguna; gitnang bahagi ng Quezon kabilang ang Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan Calauag, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista,Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo, Dolores,
natitirang bahagi ng Camarines Norte; hilagang bahagi ng Camarines Sur na kinabibilangan ng Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Gainza, Canaman, Camaligan, Milaor, Naga City, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Gao, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagñay) at Catanduanes. Pamplona, Pasacao, San Fernando, Pili, Minalabac, Ocampo, Tigaon, Cabusao, Magarao,

Nasa signal No. 1 ang katimugang bahagi ng Cagayan kabilang ang Tuao, Solana, Enrile, Tuguegarao City, Iguig, Peñablanca; natitirang bahagi ng Isabela; katimugang bahagi ng Apayao ; Abra; Mountain Province; Kalinga; Ifugao; katimugang bahagi ng Ilocos Norte kabilang ang Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos; Ilocos Sur;
natitirang bahagi ng Quezon; hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz kasama ang Lubang Islands; hilagang bahagi ng Oriental Mindoro sa Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan; Marinduque; natitrang bahagi ng Camarines Sur; Albay; Sorsogon; Burias Island at Ticao Island.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *