24 NA BABAENG DAYUHAN NA BIKTIMA NG SEX TRAFFICKING, NASAGIP SA PARAÑAQUE CITY

24 NA BABAENG DAYUHAN NA BIKTIMA NG SEX TRAFFICKING, NASAGIP SA PARAÑAQUE CITY

DALAWAMPU’T APAT na dayuhang kababaihan ang nasagip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) na umano’y ibinibenta ng isang sindikato sa kanilang sex at human trafficking scheme, sa ginawang pagsalakay sa tatlong condominium units sa Parañaque City.

Dalawang suspek na Chinese national na kinilalang sina Du Wei at Fang Zeng ang naaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station sa isinagawang operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Women’s and Children’s Police Desk ang mga 10 babaeng Tsino at 14 na babaeng Vietnamese na nasagip na isinasailalim ngayon sa berepikasyon ng kanilang pagkakakilanlan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang kanilang salakayin ang tatlong unit ng isang condominium building sa may Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ito ay makaraan na makatanggap ng intelligence report na isang grupo ng dayuhang babae ang ikinukulong at biktima ng human trafficking ang naispatan sa lugar.

Kasama ang mga tauhan ng DSWD, nilusob ng mga pulis ang tatlong condominium units na nagresulta sa pagkakasagip sa mga babae at pagkakaaresto sa dalawang Tsino na nagbabantay sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *