DEPED, NAKAKATANGGAP NG MGA ULAT NG COVID-19 CASES MULA SA MGA PAARALAN

DEPED, NAKAKATANGGAP NG MGA ULAT NG COVID-19 CASES MULA SA MGA PAARALAN

HINDI itinanggi ng Department of Education (DepEd) na nakakatanggap sila ng mga reports tungkol sa mga teachers, non-teaching staff at learners na tinatamaan ng COVID-19 halos isang buwan bago ipatupad ang full implementation ng face-toface classes sa darating na Nobyembre 2.

“Talaga pong meron na tayong natatanggap na mga reports ng COVID cases or cases kung saan nagpo-positive ang ating learners, ang ating teachers, or non-teaching staff,” pahayag ni DepEd spokesman Atty. Michael Poa.”However, as to the exact figure, we cannot give you an accurate figure just yet kasi po we need to verify the info with doon naman sa tracking na ginagawa ng LGUs and perhaps verify the data also with DOH,” dagdag pa niya.

Bagama’t medyo nakakabahala ang mga ganitong ulat ay nagbigay naman ng kasiguruhan si Poa sa publiko na tututukan nila at mahigpit na babantayan ang mga paaralan upang mapanatili ang pagsunod sa health protocols at masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro na nakatakdang sumabak sa pagsisimula ng full implementation ng face-to-face classes susunod na buwan.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 90 porsyento ng 47,000 na pampublikong mga paaralan sa buong bansa ang nagpapatupad ng blended learning na kumbinasyon ng face-to-face classes, distance learning tulad ng online classes at modules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *