MANDATORY DRUG TESTING SA MGA ARTISTA

MANDATORY DRUG TESTING SA MGA ARTISTA

Una sa lahat bumabati po ako sa ating kababayan at sa ating mga tagasubaybay ng ating Website, facebook page, Instagram at Tweeter.

Muli po ako nagpapasalamat sa CEO/ Executive Editor ng pinoynewschannel.com na si Pareng Ardie Aviles na nakasama ko sa lahat ng mga Dyaryong hinawakan niya mula pa noong early 90s, gayundin sa ating managing Editor Jonathan Abubot at Robert Dimasaca sa kanilang pagtitiwala sa akin na bigyan ako column sa kanilang Website.

Ang LATIGO muli nyong mababasa at matutunghayan na puno ng katotohanan,katwiran at pagbibigay-pansin sa hinaing ng ating mamamayan

Kung mayroon po kayong mga nakikita sa ating paligid na hindi kanais nais o gayundin sa namamahala sa ating komunidad, bayan, siyudad at mga lalawigan… ang LATIGO ang handang mag-imbistiga, magbulgar sa kanilang masasama gawain nila at pumuri naman kung sila ay karapat-dapat.

OOOOOO000000000OOOOOOO

NAPAPANAHON at talagang dapat na mabigyan ng kaukulang pansin para maisakatuparan ang isang magandang mungkahi ng mahusay at matapang na kinatawan Representative Robert ” Ace ” Barbers, chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs tungkol sa pagsasagawa ng mandatory drug testing para sa mga artistang Pilipino.

Ayon kay Barbers, ang mga artista ay sinusubaybayan at iniidolo ng ating mga kababayan partiukular na ang mga kabataang pinoy kung kaya’t dapat ay maging huwaran umano ang ito at hindi dapat na nasasangkot sa mga maling gawain lalo na ang pagkakasangkot halimbawa sa paggamit o pagbebenta ng iligal na droga.

Noon pa man ay hindi na mabilang ang mga artistang nalululong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot at ang ilan din sa kanila ay nasangkot naman sa iligal na pagbebenta nito.

Bagama’t hindi naman nais ng mambabatas na i-single out lamang ang mga artista tungkol sa isyung ito, nais lamang marahil niyang bigyan ng bigat ang isyu para sa mga artista dahil sila ay mga idolo at public figure na kadalasan ay ginagaya ng mga kabataan.

Ituloy po sana natin ang mga ganito dahil ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga kabataan kundi para na rin sa mga artista lalo na yun mga kabataang artista na mahuhusay pa naman pero sinisira ng iligal na droga.

kamakailan lamang ay nakasama sa mga naaresto sa isang buy bust operation na may kinalaman sa iligal na droga ang artista na si Dominic Roco kasama ang apat na iba pa na nadakip sa loob ng isang drug den umano sa lungsod ng Quezon.

Mabuhay Cong. Ace!

( Para sa inyong mga suhestyon, puna at mga reklamo ay maaring tumawag o magtext sa 09501511929 o magpadala ng inyong mga mensahe sa aking facebook account, OGIE BINARAO at sa ating facebook page PINOY NEWS Channel.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *