INAASAHAN na magkakaroon na naman ng panibagong bugso ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na araw.
Ito na ang pang-limang beses na pagpapatupad ng oil price rollback sa bansa.Inaasahang sa Oktubre 4, araw ng Martes ay magbababa ang UniOil ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro bawas sa presyo ng diesel habang P0.40 hanggang P0.50 kada litro naman sa gasolina.
Ang panibagong oil price rollback ay dulot umano ng oil trading data mula September 26-30 bunsod na rin ng pagbaba ng piso kontra dolyar.
Ayon naman sa ilang source sa oil industry, ang presyo ng diesel ay bababa ng P0.30 hanggang P0.70 kada litro habang ang gasolina ay bababa ng P0.20 hanggang P0.60 kada litro.